Latest News

TOP 10 CADETS, PINAKILALA SA FACE-TO-FACE GRADUATION NG PNPA

HINAMON ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang may 226 miyembro ng Philippine National Police Academy Alab Kalis Class of 2022 na tiyakin na gawing makatuturan ang mga natutunan sa loob ng akademya oras na mapabilang na sila sa hanay ng PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Si PGen. Carlos ay nagsilbing guest of honor sa ginawang presentation ng top ten graduating cadets ng PNPA ALAB Kalis Class of 2022 sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Mahigpit ang naging bilin ni Gen Carlos sa mga magsisipagtapos na tiyakin na isabuhay ang mga nakuhang aral sa akademya oras na magsimula nang magsilbi sa sambayanan.


Tugon naman ni P/Cdt. Regina Joy Caguioa, Taguig City, pangalawa sa top ten ng klase, na 100 percent silang na maghahatid ng serbisyo sa bayan.

Inihayag din kahapon ng pamunuan ng PNP na matapos ang dalawang taon ay muling magsasagawa ng face-to-face Graduation Ceremony ang pamosong police training school sa Camp General Mariano Castañeda.

Ang pamamahala sa PNPA ay nasa ilalim na ngayon ng PNP mula sa dating Phil. Public Safety College o PPSC.

Kasabay nito ang pagpapakilala ni Police Major Alexander Sampaga, PNPA Director ng top ten graduating cadets ng PNPA Alab Kalis Class of 2022.


Ang nasa Top 10 ng ALAB KALIS CLASS OF 2022 na iprinisinta kahapon sa media ay sina:

1. P/Cdt. Ernie Padernilla, Passi City, Iloilo

2. P/Cdt. Regina Joy Caguioa, Taguig City

3. P/Cdt. Precious Lee ,San Juan City, MM


4. P/Cdt. Fidel Triste III, Palo, Leyte

5. P/Cdt. Geneva Flores, San Carlos City, Pangasinan

6. P/Cdt. Zoe Seloterio, Sta. Barbara, Iloilo

7. F/Cdt. Neil Navalta, Diffun. Quirino

8. P/Cdt. Mhar Viloria, Pugo, La Union

9. J/Cdt. Colynn Panganiban, Antipolo City

10. P/CDT ALYSSA BANTASAN, Bauko Mt. Province

Nabatid na dalawang taong na hindi ito nagagawa ng PNPA na magsagawa ng face to face commencement exercises dahil sa epekto ng pandemya .

Ayon kay Mgen. Sampaga, naging malaking hamon sa kanilang pagtuturo at pagsasanay sa mga kadete ang nararanasang pandemiya dala ng COVID-19.

Kabilang na rito ang hirap ng pagpunta ng mga instructors and professors sa area, ang mahinang signal ng internet sa online class at delivery ng mga modules. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: PNP Chief General Dionardo Carlos

You May Also Like

Most Read