Latest News

Teves, sasampahan na ng DOJ ng kaso kaugnay ng pagpatay kay Degamo

Sasampahan na umano ng Department of Justice (DOJ) sa lalong madaling panahon ng kaso si suspendidong Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.dahil sa malakas ang ebidensiya na nagsasangkot sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“Very soon. Although the exact date, hindi ko masasabi dahil ang priority po dito ‘yung quality ng case,”ayon kay Justice spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano.


Sa kabila nito, hindi naman niya sinabi ang eksaktong petsa kung kelan isasampa ang kaso laban kay Teves.

Sinabi ni Clavano na sapat na ang nakalap na facts ng DOJ at isinasapinal na lamang ang impormasyon

Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nanatiling si Teves ang pangunahing mastermind sa pagpaslang kay Degamo


Nabatid na mistulang “executive producer” ito sa isang pelikula na siyang gumastos at nagsaayos ng plano sa pagpaslang kay Degamo, habang si Marvin Miranda, Isa sa umano’y mastermind naman, ang tumatayong “director” o “casting director”.

“Mabigat po at kumpleto na ang ating mga facts. Siguro kung just to follow ‘yung direction ni Secretary Remulla, buo na ‘yung pelikula at editing na lang ‘yung kailangan nating gawin para mas maganda ang presentation of facts, ‘yung evidence, at statement of the witnesses,”dagdag nj Clavano.


Gusto umano ng DOJ na klarong- klaro na ang mga pahayag ng testigo bago nila isampa ang kaso

“Lahat ng ito ay klarong klaro na po—hindi naman sila gagalaw kung walang nag-utos. They have nothing to gain by killing the former governor Degamo. Kaya meron talaga tayong makikitang trail sa taas at ‘yun na lang ang gusto naming itahi para when we file the case finally, klaro kung ano ang motives, klaro kung sino talaga ang nagutos, at kailan,” giit ni Degamo. (Arsenio Tan)


Tags: Department of Justice (DOJ), Jr., Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves

You May Also Like