Ikinukunsidera ng Department of Justice (DOJ) na ilagay sa ilalim ng international lookout bulletin ang mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano,nanatili na si Negros Oriental Rep. Arnie Teves, Jr. ay ikinukunsidera na kabilang sa nasa likod ng pagpaslang sa local official.
Samantala,sinabi ng Philippine National Police (PNP) na may lima pang suspek at 12 ‘John Does’ sa kaso na balak rin ilagay sa look out bulletin sa susunod na Linggo.
“So all those that are in relation to the Degamo slay, we have taken concrete steps na maglabas po ng international lookout bulletin, pinagpag-usapan po natin ang paglagay ng mga tao sa blue list, sa Interpol ‘no – Blue Notice,” dagdag ni Clavano.
“Although dahil po ilalagay na sila sa international lookout bulletin, mayroon po tayong records kung saan sila pumunta, anong petsa po sila umalis – iyon po ‘yung mga relevant data na makukuha natin dahil ilalagay po natin sila sa lookout bulletin,” ayon pa rin kay Clavano.
“We want to exhaust lahat ng mga remedy natin not to go to that route na mag-request ng deportation. As of right now, siguro, nananawagan is Speaker Romualdez and Sec. Remulla na umuwi na lang siya on his own volition,” ani Clavano.
Si Teves at anim na iba pa ay sinampahan ng kasong kriminal sa serye ng isinagawang raid na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nga armas.Napag-alamang si Teves ay hindi pa bumabalik sa bansa buhat sa kanyang overseas trip. (Jantzen Tan)