Sindikato sa LRA, BI at BuCor, tututukan ni Remulla

Tutukan ni bagong talagang Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang mga sindikato sa tatlong ahensiya nasa ilalim ng kagawaran.

Land Registration Authority (LRA), Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Corrections (BuCor).

“Unahin na natin ang LRA na kahapon, nung kine-kuwento sa’kin ng malapit na kaibigan na law practitioner, ikinuwento nya sa’kin ang aktibidad ng sindikato na naroroon na nananaig sa sistema ng LRA, sindikato na may tao sa halos lahat ng sangay ng gobyerno,” pahayag ni Remulla sa unang Flag raising niya sa DOJ.


“At ito po ay isang hamon sa atin. Kayo ba dito na kasama ko ay papayag na tumagal pa ang sindikatong ito na marahil darating ang isang araw na lahat ng tahanan natin ay makuha na nila kapag ating pinayagan na sila ay manaig pa sa ating lipunan?” dagdag ni Rwmulla.

Sinabi ni Remulla ang talamak na umano’y extortion, human trafficking at protection syndicates sa BI kung saan may 43 Immigration personnel na sangkot sa pastillas scam ang kinasuhan ng Ombudsman.


Bukod sa 3 ahensiya,turukan rin ang apat na ahensiya ,kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC) , at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Philippine Health Insuranve Corp.(Philhealth).

Nabatid na sa kabila ng isinagawang paglilinis sa mga ahensiya ay may natitira pa rin na” bad eggs”.


Tiniyak rin ni Remulla na sa kanyang pamumuno ay ipatutupad ng DOJ ang rule of Law.

Sinabi ni Remulla na hindi siya nag apply para naturang posisyon peeo hindi niya matanggihan ang imbitasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla

You May Also Like

Most Read