Silent majority, kay Isko

NANINIWALA si Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno na sa kanya mapupunta ang boto ng “silent majority” mula sa lower middle class,gayundin sa “urban at rural poor ” na siyang magdadala ng crucial vites sa darating na halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Moreno ,ang libu-libong mga tao na nakadaupang-palad niya sa kanyang campaign sorties ang magbibigay ng malaking bilang ng boto sa kanya.


“Sa sobrang away nila, natatakot na ‘yung tao baka mawalan siya ng trabaho, baka hindi siya mabilhan sa tindahan niya o baka awayin siya ng kapitbahay niya, mawalan siya ng kaibigan, ina-unfriend siya, mapagsalitaan siya ng masakit kaya tumatahimik na lang. Feeling ko ire-reserve nila ‘yung boto nila sa takdang panahon,” paliwanag ni Moreno sa pagpapatuloy ng kanyang listening tour sa Lapu-lapu City.

Sinabi rin ni Moreno na ang mga political oligarchs ay aktibong nang-iimpluwensiya sa mga botante sa pamamagitan ng vote-buying.

“Napaka fluid ngayon. ‘Yung malalaking pulitiko, ‘yung mga political oligarch will continue to buy people. “Hindi na siya bago. Don’t be naive. We know it’s happening,” giit ni Moreno.


Ilan din umanong political groups ang nagtatangka na humingi ng pondo sa Aksyon Demokratiko,kapalit ng suporta. (Philip Reyes)


Tags: Manila Mayor Isko Moreno

You May Also Like