Si Sen. Erwin Tulfo habang namamahagi ng tulong sa mga namatayan sa Cebu.

SENATOR TULFO, NAGPADALA NG TULONG SA CEBU QUAKE VICTIMS, HIHILING NG DAGDAG NA DSWD BUDGET

By: Jerry S. Tan

PERSONAL na nagtungo si Senate Social Justice Committee Chairman Erwin Tulfo sa Cebu upang mamahagi ng tulong sa mga pamilyang namatayan bunga ng 6.9 magnitude na lindol kamakailan lang.

Namahagi si Sen. Tulfo ng tig-P20,000 kada pamilya ng 73 katao na nasawi dahil sa nasabing lindol.


Personal ding binisita ni Tulfo ang mga rescuers ng Bureau of Fire and Protection, volunteers sa mga repacking centers at iba pang grupo na patuloy na tumutulong sa mga naapektuhang pamilya.

Ayon kay Sen. Tulfo, hihilingin din niya ang karagdagang pondo para sa tanggapan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian upang makatulong sa mga lugar na pinaka-apektado ng lindol sa Cebu.

Ang mga lugar na ito ay ang Bogo City, Medellin, San Remigio at ang Fourth Congressional District of Cebu.


Tags: Sen. Erwin Tulfo

You May Also Like