Sa likod ng ulat na bumaba ng 21.60% ang antas ng krimen sa Pilipinas particular sa mga tinaguriang focus crimes ay ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga regional commander at directors ng PNP support units na pag-aralan kung paano pa mapapababa ang krimen sa bansa.
Sinasabing pasisimulan ni Police General Rommel Marbil ang scientific approach sa pag sugpo ng kriminalidad sa bansa.
Tulad ng crime mapping para malaman kung saan madalas at kailan naitatala ang mga focus crime para sa adjustment ng deployment ng mga pulis.
Bukod dito, isa sa mahalagang elemento para mas higit na maging epektibo ang kapulisan ay mabawasan ang kanilang response time sa pamamagitan ng paglikha ng mga command-and-control systems para sa mga metropolitan departments, paglalagay ng mga police call boxes na magagamit ng taong bayan, at paglalabas ng isang para sa bawat malalaking police department department.
“To begin, we shall prioritize integrating the PNP secured mobile artificial intelligence driven in real time smart policing program and ICT development roadmap in our operations, including an active drive to recruit and train a new generation of police officers and support staff with technical expertise and specialized IT skills,”ani General Marbil
Sa kanyang mensahe ng pormal na siyang italaga ni pangulong Marcos bilang ika-30 PNP chief ay ipinangako nitong isusulong niya ang five year development plan na siyang tututok sa pagsasaliksik at magsasanib ng mga makabagong teknolohiya sa law enforcement.
Magugunitang binigyang diin ng heneral ang kahalagahan ng mga makabagong komunikasyon. Mga bagong apps na magagamit ng kapulisan maging ang mga makabagong social media application gaya rin ng Artificial Intelligence.
“We have to invest in AIs right now because the new development right now is more AIs. AI will be of big help in crime prevention and crime solution,” ani Marbil sa isang pulong balitaan.
Bahagi umano ng modernong pagpupulis ang paggamit ng information and communications technology kaya plano ng heneral na mag-invest ang PNP sa kanilang cybercrime at AI technology na pinaniniwalaan nilang nagpapadali sa trabaho ng kapulisan na maiwasan, mapigilan at ma resolba ang kriminalidad sa bansa.














