SA Facebook inihayag ng running mate ni Manila Mayor Isko Moreno na si Willie Ong ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang vice presidential bid.
Rumanggong pang-apat si Ong sa partial at unofficial results sa vice presidential race, batay sa Comelec Transparency Server.
Nangunguna pa rin sa bilangan si Davao City Mayor Sara Duterte.
“Thank you ha!! Salamat salamat salamat po sa lahat ng bumoto sa akin. I love you everyone,” panimula ni Doc Willie.
“Sa hindi bumoto, okay lang po. Balewala lang yan sa akin. Matiisin naman ako. One day, malalaman niyo din ang tunay na nagmamahal at maglilingkod sa inyo. I will just wait for that day,” dagdag niya.














