Rules para sa President, VP canvassing bubuuin ng Kongreso

Inaasahan ng Commission on Election (Comelec) na bubuo ang Kongreso ng mga panuntunan sa pag canvass ng mga boto para sa pagka Pangulo at Bise Presidente sa pagbubykas ng panibagong Kongreso.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang mga ballot box na naglalaman ng certificate of canvass ay tinanggap na ng Senado noong Mayo 17,2022.


Inaasahan ng Comelec ba 172 sa 173 C0Cs na na-canvass ng National Board of Canvassers (NBOC), na naipasa na ang sisimulan opisyal na bilangin ng

“Sa aking palagay, ang una nilang gagawin, ang first agenda nila, siguradong sigurado ‘yung pagpasa ng rules, ‘yung guidelines ng canvassing nila. Hindi po nila siyempre ia-adopt ‘yung rules namin ng canvass at sa pagkakaalam natin, nag-draft na sila ng kanilang rules at for approval bukas ng Senado at saka Mababang Kapulungan,” ayon kay Garcia.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang “returns” ng president at vice-president, ay sinertipikahan ng board of canvassers ng kada lalawigan o siyudad bago i-transmit sa Kongreso diretso sa Senate president.


Sa sandaling matanggap na ito ng ang certificate of canvass ,ang Senate President ang magbubukas ng COC nang hindi lalampas ng 30 araw matapos ang naganap na halalan noong Mayo 9 sa harap ng miyembro ng Senado at House of Representative sa isang joint public session.

Sa sandaling.madetermuna ang “authenticity” ng COCs ay sisimulan na ang canvass ng mga boto.


Nabatid na nakatakdang magbukas sa Lunes,Mayo 23 ang session ng Senado at Kamara pero sisumulan ang canvassing sa Martes,alas 19 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Election (COMELEC

You May Also Like