POSIBLENG mailabas na sa susunod na linggo ang resulta ng kauna-unahan na digitalized at regionalized Bar examination na ginawa noong Pebrero,2022.
Nabatid na hiniling ni Supreme Court Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, committee chairperson ng 2020-21 Bar examinations, na.magdaos ng special En Banc session sa Abril 12.
Ito umano ay para matalakay ang kanyang report sa kauna-unahang digitalized at regionalized bar examinations at ang pagpapalabas ng resulta.
Sinabi ni Leonen na ang oath-taking ng mga makakapasang bagong abogado ay itinakda sa Mayo 2,2022.
Gayunman, ang lugar,oras at iba pang detalye ay iaanunsiyo na lamang ng SC
Una nang ini-anunsiyo ng Office of the 2020/2021 Bar Committee na may 11,378 law graduates ,ang kumuha ng exam sa 31 local test centers sa may 21 local government units. (Jaymel Manuel)