Publiko, hinimok na makiisa sa Walk for Life 2023

Hinihimok ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na makiisa sa ‘Walk for Life 2023’ na gaganapin Pebrero 18, 2023.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, ang ‘Walk for Life 2023′ ay magsisimula alas- 4 ng umaga sa Mabuhay Rotonda sa Quezon City patungo sa University of Sto.Tomas Grandstand sa Espana,Sampaloc,Maynila.


“This very important gathering is an opportunity for you personally to show your conviction that human life is sacred and the threats to the right to life of all human beings from the moment of conception until natural death should be resisted,” ani Archbishop Brown.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Cardinal Luis Antonio Tagle ng Dicastery for Evangelization ng Vatican na ang Walk for Life ay mahalagang pagtitipon at pagbubuklod ng mananampalataya para itaguyod ang kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

“Hindi lamang po ito paglalakad kundi ito ay paglalakbay para sa buhay kasi po ang buhay ay isa sa pinakamahahalagang regalo ng Diyos sa atin at sana sa paglalakbay natin sa kasaysayan wag nating sasayangin at lagi nating protektahan ang regalong ito na buhay,” ayon kay Cardinal Tagle.


Nabatid na.magsasagawa rin ng banal na misa na pangungunahan ni Msgr. Bernardo Pantin, Secretary-General ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Napag-alaman na taong 2017 nang pasimulan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang Walk for Life na layong labanan ang iba’t -ibang programang makasisira sa buhay tulad ng war on drugs noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang na rin ang ‘death bills’ na inihain sa Kongreso tulad ng aborsyon, death penalty, same sex marriage at iba pang panukala na makalalabag sa karapatan at buhay ng mamamayan. (Jaymel Manuel)


Tags: 'Walk for Life 2023'

You May Also Like

Most Read