“PROTECTOR OF THE BALLOTS,” LUMARGA NA

LUMARGA na kahapon sa isinagawang joint send-off ceremony ang puwersa ng gobyerno na tinaguriang “protector of the ballots” para i-deploy sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang tiyakin na magiging payapa, maayos at kapani-paniwala ang gaganaping Presidential and Local election.

Ayon kay AFP chief of Staff General Andres Centino, “all systems go” na sa hanay ng Sandatahang Lakas para magbigay seguridad sa nalalapit na May,9, 2022 national and local polls.


Nakiisa ang AFP sa ginanap na send-off kahapon sa Camp Crame kasama ang puwersang itinalaga ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard, pati na rin ang mga kinatawan ng Commission on Election at DepEd

Bukod sa election duties , naka-alerto din ang militar sa anumang uri ng banta sa araw ng halalan hanggang sa magbilangan ng boto at kaisa din sila sa hangarin ng iba’t ibang sektor ng gobyerno ang maayos, malinis, peaceful at safe election.

Nakalatag na rin ang seguridad ng militar lalo na sa mga lugar na may mataas na banta lalo na sa mga local terrorist group bukod sa pagpapaigting na kanilang intelligence network at pagpapalakas ng mga itinatag na COMELEC checkpoint.


Nabatid na maging ang Philippine National Police ay nagtalaga ng karagdagang pulis sa 10 lugar sa Bangsamoro Region matapos isinailalim sa kontrol ng COMELEC ang mga bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag at Sultan Kudarat sa Maguindanao; Marawi City at mga bayan ng Maguing, Malabang at Tubaran sa Lanao del Sur dahil sa banta ng karahasan ngayong eleksyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, kabilang sa kanilang idineploy ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF) at Mobile Force Battalion para ayudahan ang local troops sa area.


Partikular na binabantayan din ng PNP ang 106 na mga bayan at 14 na lungsod na napailalim sa ‘Red’ category.

Sinabi rin ni Fajardo na hinihintay nila ang pagdedeklara ng COMELEC ng mas maraming lugar sa kanilang kontrol dahil sa matinding tunggalian sa pulitika at pagkakaroon ng pribadong armadong grupo.


Pahayag ni AFP chief Gen. Andres Centino,:“ Sa ngalan ng bawat sundalo ng sandatahang lakas ng pilipinas, nais kong ipahayag ang aking taos pusong pasasalamat sa ating mga katuwang sa pangangalaga ng kaayusan at integridad ng nalalapit na halalan.” (VICTOR BALDEMOR)

Tags: General Andres Centino

You May Also Like