Latest News

Proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list, inaasahang maisasagawa ng Comelec ngayong linggong ito

INAASAHANG maisasagawa ng Commission on Elections (Comelec) ngayong linggong ito ang proklamasyon ng mga nanalong kanddidato sa pagka-senador at party-list sa katatapos na May 9 national elections.

Sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo nitong Martes na kung matatapos ng mga Provincial Board of Canvassers (PBOC) at City Board of Canvassers (CBOC) ang resulta ng halalan sa kanilang lugar ay kaagad na makapagpuproklama ang Comelec ng mga nanalong kandidato.

“Kasi may mga iba kasi CBOC hindi rin sila makapag-transmit kasi hindi kumpleto so the basis of proclamation of our senators and even party-list is the transmitted result from the PBOC, or CBOC to the NBOC. Kapag nakapag-transmit na sila then we can proclaim the winning senators and partylist,” ayon kay Casquejo sa isang pulong balitaan.

“Kakayanin natin within this week kung pwede. Hopefully this week kung kakayanin magpro-proclaim na tayo,” aniya pa.

Nitong Martes, nag-reconvene ang Comelec bilang mga miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC), para magsagawa ng canvassing sa senatorial at party-list races dakong ala-1:17 ng hapon.

Gayunman, sinuspinde ulit ng NBOC ang pagdaraos ng canvassing dahil wala pa silang natanggap na kumpletong Certificates of Canvass (COC).

Nabatid na nasa 20 lamang mula sa 83 provincial certificates of canvass (COCs) ang nai-transmit hanggang alas-2:33 ng hapon.

Itinakda na lamang ang muling pagpapatuloy ng canvassing ganap na alas-7:00 ngayong gabi. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read