Latest News

PREPARATION IS THE KEY… THERE IS NO SUCH THING AS OVERKILL — PPBM

ITO ang inihayag kahapon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr matapos hingan niya ng updates ang National Disaster Risk Reduction Management Council ang mga ahensya ng gobyernong nasa ilalim nito hinggil sa epekto ng Super Typhoon Karding .

Ikinagalak ng Pangulo na walang naitalang casualties sa mga residenteng dinaanan ng Bagyong Karding dahil sa maagang preemptive evacuation ng mga local government units.

Ganun din ang maagang prepositioning ng mga government assets sa mga lugar natatamaan ng bagyo, ani Pangulong Marcos “preparation is the key.”


Pinangunahan ni Department of National Defense Officer-in-Charge and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson Senior Undersecretary Jose C. Faustino Jr. ang isinagawang briefing para kay President Ferdinand R. Marcos, Jr. kahapon ng umaga sa Camp Aguinaldo.

Kasunod nito ay naglabas ng kanyang direktiba ang Pangulo sa lahat ng concerned government agencies para sa kinakailangan aksyon sa mga lugar na nasalanta ng Typhoon ‘Karding’ (international name: Noru) bago ito nagsagawa ng aerial inspection para sa damage assessment.

Bukod sa pagtiyak sa DSWD na may sapat na food supply at tubig na maiinom ang mga tao na nanatili sa mga evacuation area ay inatasan din ni Pangulong BBM ang PAGASA na tiyaking may advisory ang National Irrigation Administration (NIA) at Manila Water Sewerage System (MWSS) sa publiko lalo na sa naapektuhan ng residente, bago ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam.

Nabatid na bago pa manalasa ang bagyo ay nagpakawala na ang NIA ng tubig sa Magat Dam at maging ang Ipo Dam para mabawasan ang epekto ng bagyo sa water system.


Kahapon ay nagsimula ng tahakin ni TY Karding ang area ng Luzon palabras ng area of responsibility ng Pilipinas.

“Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 was hoisted on Monday over two areas after Typhoon Karding (international name: Noru) exited the Luzon landmass and emerged over the coastal waters of northern Zambales,” ayon sa state weather sa kanilang PAGASA weather bulletin kahapon ng alas 5:00 ng umaga,

Sa inisyal na ulat na nakarating sa MDRRMC at office of Civil Defense may limang kasapi ng San Miguel Bulacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang nasawi ng tangkain nilang tumulong sa isinasagawa rescue operation sa nasabing bayan.

Sinasabing lumubog ng hanggang sampung piye ang lalim ng baha sa nasabing bayan na nagpapalambot ng lupa dahil upang bumagsak ang pader habang dumadaan ang mga rescue team sakay ng banca. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

You May Also Like

Most Read