Pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas, humingi ng tulong at panalangin para sa Turkey

Nanawagan ng tulong at panalangin ang 0 ang sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) para sa mga biktima ng dalawang malakas na lindol sa bansang Turkey at Syria.

Sinabi ni ACN Philippines acting president Msgr. Gerardo Santos, ang anumang donasyon na matatanggap ng sanggay ng ACN sa bansa ay ipadadala sa ACN International upang maipaabot sa mga naapektuhan ng lindol sa dalawang bansa.


Bukod umano sa pananalangin ay mahalaga rin ang anumang tulong at donasyon para sa mga kagyat na pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.

Tiniyak ni Santos sa mamamayan ng Turkey at Syria sa pakikiisa ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas hindi lamang sa pamamamagitan ng pananalangin kundi bilang daluyan ng biyaya, habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

Umaasa naman si Msgr. Santos sa aktibong pagtugon ng bawat mananampalataya sa panawagan ng Santo Papa Francisco upang makiisa at magpaabot hindi lamang ng panalangin kundi ng konkretong pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng paglindol sa dalawang bansa.


” We grieve with our brothers and sisters over the loss of over 12,000 lives, even as they have not yet recovered from a long war.” Dagdag pa ni Msgr. Santos.

Sa kasalukuyang tala, nasa mahugit 15,000 ang naitalang nasawi sa naganap na malakas na lindol sa Turkey at Syria kung saan karamihan sa mga mamamayang nakaligtas ay tinitiis ang malamig na panahon at kakulangan ng supply ng mga pangunahing pangangailangan. (Jaymel Manuel)


Tags: Aid to the Church in Need-Philippines (ACN)

You May Also Like