Palalakasin ang police visibility kasunod ng mga ulat ng mga pagdukot at pagpatay sa bansa, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ani Interior Secretary Benhur Abalos, hinihintay na lamang niya ang pambansang pulisya na ibigay sa kanya ang ulat nito sa mga umano’y pagdukot at pagpatay.
“Ang importante talaga is we get the real figures. Mahirap kasi ‘yung may lumalabas-labas na kuwento na hindi natin nabe-verify,” lahad ni Abalos sa isang Palace press briefing nitong Miyerkules.
“We are on top of this situation, we are trying our best sa lahat… Huwag kayong mag-alala dito. We will give you the real numbers here, papapuntahin ko at expect more police visibility,” dagdag niya.














