PNP AT AFP, NAKATUTOK SA SEGURIDAD NG BBM-SARA INAUGURATION

MAS pinalakas ngayon ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police ang kanilang intelligence network kasabay sa pag alerto ng kanilang mga tauhan bilang paghahanda sa gaganapin inauguration ni President-elect Bongbong Marcos Jr at Vice President elect Sara Duterte-Carpio.

Sa kasalukuyan ay walang namo-monitor na banta sa seguridad ang PNP maging ang AFP kaugnay sa gagawing inagurasyon nina BBM at VP Sara maliban sa mga naka amabang kilos protesta.


Ayon kay PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda para sa ilalatag na security blanket sa ibat ibang lugar particular sa venue ng inauguration .

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio maging ang mga taong dadalo sa aktibidad, ani LT GEN Danao.

Bagaman wala pang namo-monitor na banta, sinabi ni Danao na hindi naman sila magre-relax. Katunayan ay nakaalerto ang kanilang pwersa sa anumang uri ng kilos protesta na ikinakasa ng mga militanteng grupo.


Ang AFP Joint Task Force NCR ay patuloy din sa kanilang paghahanda at latag ng seguridad para sa nalalapit na inagurasyon.

Sa katunayan, pinalakas pa nila ang kanilang intelligence monitoring at pinaigting pa ang inihahandang seguridad sa kalakhang Maynila kasama na ang pag dedeploy ng kanilang CDM unit na aayuda sa PNP na naatasang tumutok sa hanay ng mga raliyista. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police

You May Also Like