PINALAKAS pa ng PNP at AFP ang kanilang puwersa sa pagdaragdag ng additional personnel sa pitong areas sa Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos) na kabilang sa isinailalim sa “red category.”
Sinasabing ang mga nabagit na mga lugar ay kinabibilangan ng mga bayan ng Mautum at Maasim sa Saranggani province, bayan ng Banga sa South Cotabato, municipality of Pikit sa North Cotabato, at mga bayan ng Palimbang, Columbio at President Quirino sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Inilagay sa areas of immediate concern ang nabanggit na mga lugar dahil sa mga naitalang election related incident at tensyon o mainit na away sa pagitan ng mga magkaribal na kandidato.
Kabilang din sa mga kinokonsidera ang presensiya ng mga private armed groups, communist terrorist group at iba pang mga armadong grupo.
Gayunman, hindi isasailalim sa COMELEC control ang nabanggit na mga lugar bagkus ay hihigpitan ang seguridad at tututukan ang mga polling places sa pinangangambahang pananabotahe sa araw ng eleksyon.
Samantala, sa South Cotabato ay ipinasiguro ni Police Col. Nathaniel Villegas na nakaantabay na ang kapulisan kasama ang AFP sa bayan ng Banga na kabilang sa red category at ganoon din sa apat na barangay sa bayan ng Polomolok na inilagay naman sa orange category. (VICTOR BALDEMOR)














