Suportado ng isang infectious disease expert ang ginawang pagluluwag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagsusuot ng facemask.
Ito ay sa kabila ng kanyang pag-amin na ang naturang polisiya ay maaring magresulta sa pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Dr. Edsel Salvana sa ginanap na Laging Handa briefing ,na isang paraan umano ito ng gobyerno na masubukan ang pang-araw araw na senaryo para sa nagaganap na transition tungo sa endemic stage.
Gayunman ,sinabi ni Saldana na palaging may panganib sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kapag niluwagan ang protocol.
Sinabi ni Salvana na magiging mahalaga ang anti-coronavirus vaccinations sa harap ng bagong polisiya sa facemask.
“Of course, anytime magre-relax ka ng mga public health standards, there’s always the risk na tataas ang number of cases bagamat nakita naman natin in the last few months dahil sa antas na rin ng pagbabakuna natin, ‘yong kahit dumadami ‘yong mga may COVID-19 at some point in time, ‘yong number of severe cases is remaining low at hindi naman napupuno ang ating healthcare system,” ayon kay Saldana.
“Meron na talaga tayong exceptions sa outdoor masking policy, kahit ‘yong dati pa, ‘yong ‘pag kumakain or ‘pag may sports, or kung nag-e-exercise. So ito inextend lang natin all the way to ‘yong mga well-ventilated non-crowded settings at tignan po natin kung kakayanin natin sa ganitong pamamaraan dahil kinakailangan na rin naman natin po talagang mag-start to adapt to ‘yong tinatawag na new normal,” dagdag ni Saldana.
Gayunman,umaasa ito na patuloy na magsusuot ng facemask ang mga tao para mas maging ligtas sila sa banta ng virus na hindi pa rin naman nawawala. (Arsenio Tan)














