PHILIPPINE ARMY, HANDANG DEPENSAHAN ANG TERITORYO NG PILIPINAS

MALAKI ang posibilidad na maganap ang digmaan sa lupa sakaling magkaroon ng external threat sa Pilipinas na siya ngayong pinaghahandaan ng Philippine Army.

Ayon kay Army Commanding General Lt.Gen. Romeo Brawner, kung pagbabasehan ang mga pagsasanay at mga seminar na kanilang dinaluhan dito at sa ibang bansa ay hindi maiiwasan na magkaroon ng labanan sa kalupaan at hindi lamang sa dagat o himpapawid.


Malaki umano ang posibilidad na ‘war will be fought on land” ani LtGen. Brawner, sakaling magkaroon ng external aggression.

Sa ginanap na pulong balitaan kaugnay sa ika-126 taon ng Hukbong Katihan at ng mga paghahandang ginagawa ng Army hinggil sa kanilang 2040 Army Transformation Road Map ay tahasang inihayag ni Brawner na nakahanda ang kasundaluhan na idepensa ang bansa.

Nabatid na kahit hindi pa gaanong umiinit ang tension sa West Philippine Sea ay patungo na ang Hukbong Katihan sa development at modernization para sa external defense.


Ito na umano ang programang tinatahak ng Philippine Army lalo na at nakikita na ang unti unting pagkawasak ng rebelyon at insurgency sa bansa.

Samantala, inihayag din ng heneral na pabor siya joint o multi-nation war exercise para lalo pang malinang ang interoperability ng kasundaluhan hindi lamang sa giyera kung hindi maging sa Humanitarian Assistance and Disaster Response ng mga kaalyadong bansa na hindi lamang para sa Pilipinas kung hindi para din sa ibang bansa.


Umaasa din si Brawner na mula sa battalion size ay maihahanda niya ang Philippine Army sa division size na klase ng training sa pamamagitan ng mga joint military exercises. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Army commanding general Lt Gen Romeo Brawner

You May Also Like