Philippe Lhuillier muling hinirang na ambassador sa Spain

Muling nahirang bilang Philippine Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa bansang Spain si Philippe Lhuillier.

Nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lhuillier sa Malacañang nitong Miyerkoles.


Ayon kay Pangulong Marcos Jr., naniniwala siya sa kakayahan ni Lhuillier kaya pinanatili niya ito sa dating posisyon.

Tiwala ang Presidente sa kakayahan ng ambassador at nakatitiyak itong mahusay na magagampanan ang kanyang tungkulin para sa Pilipinas.

“Batid natin ang galing ni G. Philippe Lhuillier kung kaya’t siya ay muli nating itinalaga sa posisyong Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary para sa bansang Spain.


Tiyak kong kanyang gagampanan ng buong puso at igugugol ang kanyang husay para sa bansa,” anang Pangulo.


Tags: Philippe Lhuillier

You May Also Like