Latest News

PhilHealth, nagpaalala: Dagdag-benepisyo, pwedeng i-avail ng members sa accredited facilities

By: Carl Angelo

Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang mga miyembro na ang mga dagdag sa coverage rates ng kanilang mga benefit packages ay maaari nilang i-avail sa mga accredited hospitals sa bansa.

Ayon kay Rey Baleña, na siyang Acting Vice President for Corporate Affairs ng PhilHealth, ang kanilang mga miyembro ay maaaring mag-avail ng benefit packages kung maa-admit sila sa mga health facilities para sa karamdamang nangangailangan ng pagpapa-ospital.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon silang 12,000 accredited healthcare partners sa buong bansa.

Kung mayroon man aniyang mga hindi accredited na healthcare facilities ay kakaunti lamang ang mga ito.

Noong nakaraang taon ay una nang inianunsiyo ng PhilHealth na simula Pebrero 14, 2024, ang rates ng kanilang mga benefit packages ay dadagdagan ng hanggang 30%.

Layunin nitong mabawasan ang out-of-pocket expenses ng mga Pinoy na nag-a-avail ng healthcare services gamit ang PhilHealth.

Alinsunod naman sa Universal Health Care law, tinaasan rin ng PhilHealth ang premium o kontribusyon ng kanilang mga miyembro mula sa dating 4% at ginawa itong 5% ngayong taon.

Tags:

You May Also Like

Most Read