Latest News

PH NAVY, NAGPASALAMAT SA REPUBLIC OF KOREA

By: Victor Baldemor Ruiz

Nagpasalamat si Philippine Navy Flag Officer- in- Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr., sa Republic of Korea sa kanilang suporta sa modernization program ng Philippine Navy.

Inihayag ito ni VAdm. Adaci nang mag- courtesy call si ROK Navy Chief of Naval Operations Adm. Lee Jong-Ho at ang kanyang delegasyon kay VAdm. Adaci sa Philippine Navy Headquarters.


Napag-usapan ng dalawang opisyal ang patuloy na partnership ng dalawang bansa, kasunod ng ilang matagumpay na engagement nitong mga nakalipas na buwan.

Nagpahayag din ng kasiyahan si VAdm. Adaci sa tulong ng Korea sa modernization program ng Hukbong Dagat: “We thank your Navy for helping in our modernization program, particularly the manufacture of our frigates, corvettes and offshore patrol vessels in South Korea.”

Samantala, binati naman ni Adm. Lee Jong-Ho ang Philippine Navy sa kanilang matagumpay na aktibidad kamakailan at nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng mas marami pang aktibidad sa pagitan ng Philippine Navy at Republic of Korea sa mga susunod pang araw.


Nagkasundo ang dalawang navies na gawing tuloy- tuloy ang Navy-to-Navy talk ng dalawang bansa dahil kapawa kapaki-pakinabang ito sa kanilang hukbo.

“We learn a lot from you and it is one way for us to discover avenues of cooperation in terms of education and training, and modernization,” ani Adaci.


Tags: Philippine Navy

You May Also Like