Latest News

Petsa ng COC filing, planong ilipat ng Comelec

Ikinukonsidera ng Commission on Elections (Comelec) na ilipat ang petsa ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito, ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ay bunsod na rin ng nakabinbing panukala na ipagpaliban ang eleksyon.

Ayon kay Garcia, inilalatag na nila ngayon ang mga posibleng aksyon na kanilang isasagawa sakaling maisabatas ang panukalang ipagpaliban ang naturang halalan sa susunod na taon.

Kabilang aniya sa mga ikinukonsidera ay ang paglilipat ng petsa ng paghahain ng kandidatura ng mga kandidato habang wala pang desisyon ang Kongreso kung ipagpapaliban o hindi ang eleksyon.

“Amin po ngayong pinag-iisipan na baka puwede kaming makapag-adjust ng date ng filing ng certificates of candidacy, tutal naman, halos 60 araw ang ibibigay namin na campaign period. Napakahaba po no’n. Dati-rati, 30 araw lang ang campaign period,” pahayag ni Garcia, sa panayam sa radyo nitong Lunes.

Una nang itinakda ng Comelec ang COC filing para sa 2022 BSKE mula sa Oktubre 6 hanggang 13.

Ang 2022 BSKE ay nakatakdang idaos sa Disyembre 5, 2022.

Tags:

You May Also Like

Most Read