IGINIIT ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) na i-dismiss ang petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang certificate of candidacy ni president-elect Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa :submission na inihain ni Calida sa SC ,sinabi nito na ang petisyon ay “misleading” para sabihin na hindi kuwalipikado si Marcos na tumakbo para sa mataas na posisyon sa bansa.
Ayon kay Calida ,kuwalipikado si Marcos para tumakbo sa pagka-Presidente dahil hindi naman siya na-convict sa isang pagkakasala na magbabawal sa kanyang tumakbo sa pam-publikong posisyon.
Nabatid na unang naghain ng petisyon ang civic leaders na kinakatawan ni dating SC Spokesman Theodore Te.
Iginiit ng.mga petitioners na si Marcos ay na-convict ng Quezon City court dahil sa.hindi niya paghahain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985, noong siya ay governor at vice governor ng Ilocos Norte.
Matatandaan na ang.lahat ng petisyon para sa diskuwalipikasyon ni Marcos ay ibinasura.ng Commission on Elections.(Comelec). (Anthony Quindoy)














