Latest News

Penitensiya at pahalik, iwasan — DOH

MULING nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang penitensiya at paghalik sa mga santo sa nalalapit na paggunita ng Holy Week.

Nagbabala si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang “penitensya” o pananakit sa sarili gaya ng pagpapako sa krus, ay.maaring mahresulta ng impeksiyon o sugat.


“Kung maari lang po sana na maiiwasan natin ang mga aktibidad kagaya po ng pagpepenitensya sa paraan ng pagpapako sa krus at iba pa upang maiwasan natin ang tetanus at nang pagkakaroon ng sugat at impeksyon,”ani Vergeire.

Sinabi pa ni Vergeire na ang paghalik sa imahe sa simbahan ay maaring magresulta ng pagkahawa-hawa ng coronavirus.

“Iwasan po natin ang paghalik sa santo at santa at iba pang imahen o poon sa ating mga simbahan dahil maari pong itong maging paraan ng virus transmission,” dagdag ni Vergeire.


Pinaalalahanan rin ni Vergeire ang publiko na magsuot ng facemask at magpabakuna laban sa COVID19.

Samantala,may 54,000.miyembro ng Philippine National Police(PNP) ang ikakalat sa iba’t ibang panig ng bansa para sa pagbibigay ng seguridad. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read