PCSO GENERAL MANAGER, NA-PROMOTE BILANG REAR ADMIRAL NG PCGA

By: JESSE RUIZ

Na-promote mula auxiliary commodore patungo sa pagiging Rear Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, kasunod ng ginanap na donning of rank ceremony sa Philippine Coast Guard Headquarters.


Ayon kay Robles, ang promosyon ay isang pagkakataon upang patatagin ang kanyang commitment sa paglilingkod sa sambayanan.

“Para sa akin, ang serbisyo publiko ay ang pagiging naroroon kapag kailangan ng tulong ng mga tao. Ito ay tungkol sa paghahanap ng mga paraan upang tumugon sa kanilang mga pangangailangan at pagtiyak na ang tulong ay makakarating sa mga nangangailangan nito,” pahayag ni Robles.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng PCG bilang katuwang ng PCSO sa paghahatid ng mga suplay at pagpapadala ng tulong sa malalayong lugar sa tuwing may kalamidad at emergency, kung kailan lubhang kailangan ng mga apektadong komunidad ang ayuda.


“At alam natin iyon dahil ang Philippine Coast Guard ang ating katuwang sa paghahatid ng mga suplay,” dagdag ni Robles.

Sa kaniyang acceptance speech, nangako si Robles na patuloy na makikipagtulungan sa kaniyang mga kapwa opisyal at tauhan ng PCGA sa paglilingkod sa publiko.




“Dahil sa pangkalahatan, ang ating mga posisyon, titulo, at ranggo ay may kabuluhan lamang kapag ginagamit natin ang mga ito upang magsilbi sa iba,” sabi pa ng PCSO chief.


Tags: Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” A. Robles

You May Also Like

Most Read