Latest News

PBBM, WALA PANG ITINATALAGANG PNP CHIEF

WALA pang itinatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, maige pa rin niya itong pinag-aaralan at inaasahang sa mga susunod na linggo pa ito bago i-anunsyo.

Sa ngayon, hindi idinetalye ni Abalos kung mayroon na itong inirekomenda sa pangulo bilang susunod na mamumuno ng pambansang pulisya. Aniya, mahirap sa ngayon na magbigay na ng detalye hinggil dito.


Ang pahayag ay ginawa ng kalihim matapos na maglutangan ang mga ulat na si Lt Gen Rhodel Sermonia, na siyang PNP No. 2 man , dahil sa pagiging PNP deputy chief for administration nito, ang nakatakdang hiranging susunod na Chief, PNP.

“This is not true and the matter is being discussed,” ayon kay Abalos.

Ilan sa mga matutunog na pangalan na posibleng makuha ang naturang pwesto bukod kay Sermonia ay sina: PNP deputy chief for ope­rations Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang No. 3 man ng PNP at siyang nagsisilbing officer-in-charge (OIC) ng PNP simula noong mag-retiro sa puwesto si dating PNP chief Gen. Dionardo Carlos;. Area Police Command-Northern Luzon chief PLTGEN Rodolfo Azurin Jr.; PNP deputy chief for operations PMGEN Valeriano De Leon; at National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Maj Gen Felipe Natividad.

Sinasala pa umano ni PBBM kung sino ang itatalaga niya para maging unang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng kanyang administrasyon. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like

Most Read