Latest News

President Ferdinand Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos were warmly welcomed by Chinese team led by Agriculture Minister Hon. Tang Renjian and guards of honor when they arrived in Beijing for a three-day state visit.

PBBM, AGAD NA SINIMULAN ANG KANYANG OFFICIAL ACTIVITIES

AGAD na pinasimulan President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kanyang official activities sa pangalawang araw ng State Visit sa People’s Republic of China.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng China Foreign Ministry sa pamamagitan ng Chinese Embassy in Manila , nagsimula ang official functions sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Li Zhanshu, Chairman ng Standing Committee of the National People’s Congress, kahapon, January 4, 2023.

Nabatid na ang National People’s Congress ay katumbas ng Philippine Legislature.

Tampok sa welcome statement ni President Marcos, Jr. ang magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa na nagsimula bago pa itinatag ang diplomatic relations ng China at Pilipinas, may 47 taon na ang nakararaan.

Kasunod ito ng pagtiyak na magpapatuloy pa ang magandang relasyon ng dalawang bansa habang binabalangkas pa an gang mga bagong areas of engagement sa post-pandemic economic recovery.

Nagpahayag din umano ng paniniwala ang Pangulong Marcos na magbubukas ng mga bagong oportunidad ang kanyang three-day state visit para itaas ang antas ng relasyon ng dalawang bansa.

“He believes that his state visit to China will open opportunities to elevate relations to a strategic partnership and boost cooperation in various areas such as infrastructure, tourism, trade and people-to-people ties,” ayon sa presidential visit update na ibinahagi ng embahada.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Li Zhanshu ay tiniyak ni Pangulong Marcos, Jr. sa mga Chinese officials na madadagdagan at palalakasin pa ang ugnayan sa China sa mga susunod na taon.

“I have always stated that the partnerships between them in the next few years will be partnerships that will stabilize and strengthen all our economies so that we are able to face challenges and the different shocks that we are now beginning to feel and will continue to feel in the next few years,” ani President Marcos. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read