Latest News

PARI SA CEBU, NAG-SUICIDE; PANALANGIN, HILING NG ARCHDIOCESE

Ni Itchie G. Cabayan

ISANG paring Katoliko ang nasawi sa pamamagitan ng pagkitil sa sariling buhay.


Ito ay kinumpirma ni Archbishop Alberto Uy, matapos lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kinitil ni Fr. Decoroso Olmilla ang kanyang sariling buhay matapos na bumigay ang kalusugan ng kanyang pag-iisip.

Kaugnay niyan ay humihingi naman ang Archdiocese of Cebu ng panalangin at malasakit mula sa publiko.

Ipinaaabot rin ni Uy ang matinding kalungkutan at pagdadalamhati hinggil sa pagpanaw ng nasabing pari at pinasalamatan ang mga awtoridad sa maingat at makatotohanang pagrepaso ng mga ukol sa insidente.


Napag-alaman na si Olmilla, 68, resident priest ng San Fernando El Rey Parish sa bayan ng Liloan, ay natagpuang patay sa loob ng isang condominium sa Brgy. Mabolo, Cebu City noong Nobyembre 12.

“We invite everyone to pray that Fr. Cocoi may in the end find peace with his Creator,” panawagan ni Uy, kasabay ng apela sa publiko ng respeto para sa privacy ng pamilya ng pari, lalo na panahong ito ng kanilang pagdadalamhati.




“As we mourn, we also humbly ask forgiveness for the wounds that this death may have caused on the faith of the faithful. In humility, we can only continue to trust that God’s mercy may remain greater than our human failures,” aniya.

Samantala, muling pinagtibay ng pari ang katuruan ng Simbahang Katoliko hinggil sa kasagraduhan ng buhay at binigyang-diin na walang sinuman ang may karapatang kitlin ito dahil ito ay bigay ng Diyos.


Aniya, “no one has the right to take away what God has alone given.. every life is sacred.”

Tags: Archbishop Alberto Uy

You May Also Like

Most Read