Paglaya ni De Lima nasa kamay ng korte — Guevarra

NAKASALALAY sa kamay ng Muntunlupa Regional Trial Court ,ang paglaya ng naka detineng Senador Leila de Lima.

Nilunaw ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos na opisyal na hilingin ni de Lima sa DOJ na ibasura ang kaso laban sa kanya makaraang bawiin ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragos,ang kanyang testimonya laban kay De Lima.


Ayon kay Gievarra,maaring makalaya si De Lima sa pamamagitan ng piyansa kung pagbibigyan ito ng korte.

Gayunman,una nang tinanggihan ng korte ang kanyang petition to bail.

“Through bail is the only way that Senator De Lima could be temporarily free during the pendency of the trial,” ani Guevarra.
“She tried, but the court denied.”


Tinanggihan ito ng korte sa kabila na naabsuwelto siya sa isa niyang kaso may kaugnayan sa iligal na kalakalan ng shabu sa loob ng New Bilibid Prison.

Sinabi pa ni Gurvarra nasa trial na ang kaso ni De Lima at para payagan itong makapag piyansa ay isasailalim muna sa maigting na examination at cross examination ang pagbawi ni Ragos sa kanyang testimonya.


“It is the judge who will weigh the truthfulness and probative value of the testimony of witnesses, and will render judgment based on the totality of evidence presented by both sides at the end of trial,” dagdag ni Guevarra.

Ipinaliwanag pa ni Guevarra ,ang pagkaantala sa disposisyon ay maaring.mangyari dahil sa iba’t ibang kadahilanan.


Una nang binawi ni Ragos at self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, ang kanilang testimonya.

Tags: Senador Leila de Lima

You May Also Like