Pagbasura sa kaso ni Sen De Lima di “matik” — Malcontento

HINDI umano awtomatiko na maibabasura ang kaso ng naka detineng Senator Leila de Lima kasunod nang ginawang pagbawi sa kanyang testimonya ng testigong si dating Bureau of Correction OIC Rafael Ragos.

“Not automatic. They are declaring it in public but the real venue is with the courts now,” ayon kay Department of Justice (DOJ) Prosecutor General Ben Malcontento.


Nalaman na kinakailangan pa umanong isailalim sa cross examination si Ragos,gayundin ang demurrer to evidence at petition to bail na inihain ninDe Lima na ibinasura ng Muntinlupa RTC noong nakalipas na taon kahit pa siya ay naabsuwelto sa isa sa 3 kasong may kinalaman sa iligal na droga.

“The prosecutors must be given the chance to cross-examine Ragos. And not only Ragos. Insofar as the case is concerned, the defense listed more than 100 witnesses,” ayon kay Malcontento.

“More or less these witnesses will have to be presented for the court to decide the guilt or innocence of Sen. De Lima and other accused,”dagdag pa ni Malcontento.


Samantala, balak ng DOJ na i-tap ang Office of the Ombudsman para umaksiyon sa affidavit ni Ragos matapos nitong bawiin ang kanyang testimonya.

Una nang sinabi ni Ragos na personal niyang idineliber ang pera sa bahay ni de Lima sa pamamagitan ng kanyang driver bodyguard na si Ronnie Dayan sa 2 pagkakataon noong 2016.


Inamin rin ni Ragos na pinilit lamang siya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na gumawa nang walangnkatotohanang teatimonya laban kay De Lima.

Noong nakalipas na linggo binawi rin ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa ang kanyang alegasuon kay De Lima. (Jaymel Manuel)


Tags: Senator Leila de Lima

You May Also Like