LUMIPAD patungong Tokyo, Japan ang buong pamilya ni Senador Manny Pacquiao para sa gaganaping charity marathon event doon ngayong linggo.
Ayon kay Golden Boy Herrera, ang Pinoy Organizer, ang nasabing marathon ay inorganisa noon pang 2020 at dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy.
Ito ay itinuloy na ngayon dahil mababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, sa pamamagitan ng MP foundation na katuwang ang isang Japanese organizer…
Nasa 5,000 ang nagpa-rehistro ng nasabing marathon event at itinatayang nasa US$2 million ang kikitain ng MP foundation para sa event na ito..
Nagpapasalamat naman si Pacquiao sa mga sumuporta sa kanya nitong nakaraang eleksyon at nanawagan ito na magkaisa na ang lahat. (TSJ)