May 1.2 milyong minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) ang makakatanggap ng daily minimum wage increase na P50 simula sa susunod na buwan.
Mismong si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ang nag-anunsiyo ng magandang balita nitong Lunes.
Ani Laguesma, ang naturang umento sa sahod ay inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa pamamagitan ng wage order no. 26.
Ito na ang pinakamataas na dagdag sa sahod na inaprubahan ng NCR wage board.
Bunsod nito, ang daily minimum wage rate sa NCR na P645 lamang sa kasalukuyan ay magiging P695 na para sa non-agriculture sector at mula P608 ay magiging P658 naman para sa agriculture sector, service at retail establishments na may empleyado na 15 pababa lamang at manufacturing establishments na regular na nag-eempleyo ng wala pang 10 empleyado.
Ayon kay Laguesma, ang umento sa sahod ay kaagad na magiging epektibo sa Hulyo 18, 2025, matapos ang petsa ng anibersaryo ng huling minimum wage increase sa NCR na naging epektibo noong Hulyo 17, 2024.














