Latest News

P200-B ESTATE TAX NA UTANG NG MARCOS, HAHABULIN AT GAGAMITIN PANG-AYUDA SA MILYONG PINOY APEKTADO NG PANDEMYA — ISKO

HAHABULIN ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno ang mahigit na P200 billion utang ng mga Marcos na estate tax at gagamitin niya ito upang ipang-ayuda sa milyong-milyong Pinoy na biktima ng Covid-19 pandemic.

“Meron akong gagawing ayuda. I’ll make sure that I will implement the decision of the Supreme Court, GR 120880, na may isang pamilya na pinagbabayad ng estate tax. As we speak, it’s about P200 billion already,” pahayag ni Moreno sa mga reporters at miyembro ng organized labor at transport workers’ groups sa headquarters ng Isko Moreno Domagoso for President sa Intramuros, Manila.

“If and if ako’y maging presidente, yung pera na yon na buwis ha, hindi po ito regular na buwis, estate tax, ngayon po P200 billion na ang halaga. E kung ipamigay ko rin na ayuda. Tutal pera niyo naman yon e,” pahaayag pa ni Moreno na labis na ikinatuwa ng mga taong naroroon sa pagtitipon.


Hindi lang minsan binanggit ni Moreno ang mga Marcos, ang GR 120880 ay tumutukoy sa June 1997 SC ruling na nag-uutos sa mga Marcos na magbayad ng P23.29 billion estate tax na pagkakautang ng mga Marcos mula 1982 hanggang 1986. Ito ay base sa kwenta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Simula noon ay kinwestyom ng pamilya Marcos ang BIR’s deficiency assessment na naging dahilan ng paglobo nito sa halagang P203.8 billion dahil sa mga naipong penalties na hindi nabayaran ng mga Marcos sa loob ng ilang dekada.


“Kailangang magbayad sila sa buwis,” giit ni Moreno.

Ayon kay Moreno, plano niyang banggitin ang paghabol sa P200-billion utang ng mga Marcos noong Linggo sa ginanap na CNN Philippines’ Presidential Debate, pero hindi niya nagawa dahil kulang na sa opurtunidad.


Matatandaan na ang anak at kapangalan din ng namatay diktador na si former senator Ferdinand Marcos Jr. ay na-convict din dahil sa tax evasion.

Si Marcos Jr. ay na-convict noong 1995 dahil sa kabiguang mag-file ng mandatory income tax returns at kabiguang magbayad ng income tax mula1982 hanggang1985. Ang kanyang tax evasion conviction at ang malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa estate tax ay binanggit na dahilan sa pitisyong kanselahin ang kanyang certificate of candidacy sa pagpakapangulo.

Noon namang Nov. 9, 2018, ang Sandiganbayan anti-graft court ay hinatulan si Imelda Marcos, biyuda ni Ferdinand Marcos Sr., sa seven counts ng graft dahil sa paggawa nito ng private foundations sa Switzerland nang siya ay government official kung kaya nagawa ng pamilya nila na iligal na makuha ang pondo ng gobyerno noong panahon ng Martial Law.

Ang dating unang ginang na noon ay district representative ng Ilocos Norte — ay hinatulang makulong ng anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon sa bawat bilang ng graft. Ito ay katumbas ng minumum na 42 taong pagkakakulong. Ang kaso ay nakaapela sa kasalukuyan at si Imelda ay hindi pa rin nabibilanggo.

Samantala, nangako si Moreno na ipatupad ang batas ng tama at parehas sa sinumang mapapatunayang nagkasala.

“There is a decision they should pay, those people should pay, whoever they are. Kung siya ay collectibles na, dapat kolektahin,” ayon pa kay Moreno sa isang panayam.

“Sabi ko nga, there is certainty and predictability in our administration. Sabi ko rin na walang mahirap, walang middle class, walang mayaman. Kung nakakatikim ng kulungan yung aksidenteng makakuha ng anim na kilong mangga, that goes to anybody who will be found guilty of such crime. Yun lang ang importante,” sabi ni Moreno.

Ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ay isa sa mga priorities na binanggit sa ilalim ng Moreno’s 10-point Bilis Kilos Economic Agenda na siyang magiging tatak upang mapabilis ang pag-unlad ng mamamayan at ekonomiya sa sandaling mahalal siya bilang pangulo.

Samantala ay nagpaalala sa mamamayan ang Aksyon Demokratiko presidential candidate na piliing mabuti ang ihahalal sa darating na eleksyon sa Mayo upang huwag magkamali ng iuupo sa palasyo.

“Wala tayong paghuhusga, karapatan yan ng bawat tao. gusto ko lang maliwanag sa inyong isipan na huwag kayong magkakamali. It doesn’t have to be me. Basta huwag kayong pipili ng lider na ngayon pa lang, hindi niyo na mapagkatiwalaan, hindi niyo na maaasahan, hindi niyo na maliwanagan kung ano ang layunin. Hindi ito pagalingan ng Ingles, hindi ito pagalingan ng salita, hindi ito pamanahan, kundi sino talaga yung pwede nating sandalan,” sabi nito.

“I am no angel. Ako po hindi ako perpekto. Pero sinisiguro ko po sa inyo, hindi ko kayo inagrabyado kahit minsan. At wala akong pami-pamilya na nagkakamkam ng anu-ano. Pero pag hindi tayo ang nanalo at iyon ang nanalo, malamang burado na yung utang na yon. Kayo na ang mag-isip. Ako kasi importante lang na alam niyo,” sabi pa ni Moreno. (Andoy Rapsing)

Tags: Manila Mayor Isko Moreno

You May Also Like

Most Read