Latest News

‘OPENING OF BOOKS’ NG LISTAHAN NG MGA BOTANTE, GAGAWIN NG COMELEC

ISASAGAWA ng Commission on Elections (Comelec) ang “opening of books” ng listahan ng mga botante sa bawat presinto mula Abril 18 hanggang 29 bilang paghahanda sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na ang mga libro ay ang gagamitin sa mga voting precincts at ang listahan ay ikakabit sa labas nito upang masuri ng mga botante kung saan sila nakatalaga para bumoto.

Ang naturang hakbang ay kasunod ng mga alalahanin na maaari pa ring makaboto ang mga namatay nang mga botante na posibleng hindi pa rin natatanggal sa voter’s list.

Ipinaliwanag ni Garcia na kung ang pangalan ng botante ay nakatala sa “election day computerized voters list (EDCVL)”, papayagan siyang makaboto. Ngunit kung hindi ito nakalista sa EDCVL kahit na nakalagay ang pangalan sa posted computerized voters list (PCVL)” na nasa labas ng presinto, hindi siya papayagang makaboto.

Kung hindi tugma ang pangalan sa EDCVL at PCVL, posibleng nagkaroon umano ng iregularidad. May mga pagkakataon umano na binabago ng mga mandaraya ang mga pangalang nakalagay sa PCVL para lituhin ang mga botante.

Hinikayat rin ni Garcia ang mga ‘watchers’ maging ang mga mamamayan na sumali sa berepikasyon ng listahan upang matiyak ang kanilang iskedyul at aktuwal na presintong bobotohan. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read