Official order ni Digong sa pagtatapos ng e-sabong, wala pa

WALANG pang ipimapalabas na opisyal na kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan nang matuldukan ang operasyon ng e-sabong.

“Sa ngayon wala pang official document na galing sa Malacañang Records Office,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar sa isang virtual Palace briefing.


Una nang ini-anunsiyo ninDuyerte nitong Martes na inaprubahan na niya ang rekomemdasyon ng Department of the Interior and Local Government’s (DILG) na itigil na ang e-sabong o online cockfighting operations.

Ang desisyon ni Duterte ay ubinasr sa isinagawang survey ng DILG sa mga siyudad at lalawigan kaugnay sa e -sabong operations kung saan dito sinisisi ang pagbagsak ng moral values ng mga filipino.

Sa kabila na wala pang opisyal na order o
implementing rules and regulations (IRR) sa pagpapatigil ng “e-sabong” operations, nagbabala si Interior Secretary Eduardo Año ,aarestuhin ang sinuman magpapatuloy ng operasyon.


Tiwala naman ang Malakanyang sa PAGCOR na makakalikha ito nang panibagong pagkakakitaan.

Nalaman na kumikita ang hobyerno ng.P2 bilyon kada yaon mula sa e-sabong.


Tiniyak naman ni PAGCOR chairperson Andrea Domingo na ipatutupad ang desisyon ni Duterte. (Jantzen Tan)


Tags: Pangulong Rodrigo Duterte

You May Also Like