NO MERCY SA HOLDAPER, RAPIST NG MGA GURO — VP SARA

NO mercy.

Ito ang atas na ibinigay ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte- Carpio, laban sa pagala-gala pa ring mga suspek sa panghahalay at pagnanakaw sa apat na guro sa Camarines Sur. Inatasan nito ang Philippine National Police (PNP) na madaliin ang paghanap sa mga suspek.


Nabatid na may isang buwan na ang nakararaan ay wala pa ring lead ang PNP sa krimen kung kaya’t si VP Inday Sara na ang nag-utos sa mga ito na madaliin ang pagresolba sa kaso mga teacher na ginahasa at hinoldap.

Sa kanyang major command conference ay ipinatawag nito ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP para humingi ng update hinggil sa criminality at communist insurgency .

Layunin din ng pagpapatawag ni VP Sara na matiyak na ligtas at maayos ang peace and order situation habang nasa labas ng bansa ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na dumadalo sa official state functions sa Indonesia at Singapore.


Nabatid na inilapit na ni VP Inday Sara kay Police Deputy Director for Administration Lt. Gen. Chiquito Malayo ang nasabing kaso ng mga guro.

Kabilang sa nais ni Sara na mabigyan agad ng katarungan ang panggagahasa at panghoholdap sa apat na guro sa isang paaralan sa bayan ng Ocampo sa Camarines Sur noong nakalipas na buwan.


Bangag umano sa iligal na droga ang mga suspek nang harangin ang mga papauwi na guro na hinoldap, kung saan kinuha ang mga cellphone at cash ng mga nasabing teacher.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek dahil dinala umano sa comfort room ng paaralan ang dalawang dalaga na teacher at doon isinagawa ang panghahalay. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte- Carpio

You May Also Like

Most Read