NASA 10.9 PAMILYANG PINOY, NAGHIHIRAP

SA ginawang pag aaral ng Social Weather Station ay lumilitaw na apat sa bawat sampung pamilya o halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang naniniwala o kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahihirap.

Batay sa SWS Survey na ginawa noong Abril 19 hanggang 27 ay nasa 43 percent o katumbas ng 10.9 milyong pamilya ang naniniwalang mahirap sila habang 34 percent ang borderline poor o malapit nang maghirap at 23 percent ang nagsabing hindi sila mahirap.


Paliwanag naman ng SWS, tumaas ang self-rated poverty dahil dumami ang naniniwalang mahirap sila mula sa rehiyon ng Mindanao at Metro Manila.

Habang bumaba naman ang bilang sa Visayas at Balanced Luzon.

Isinagawa ang survey sa 1,440 indibidwal na may edad 18 pataas at may sampling error margins na ± 2.6 percent


Nasa 43 porsyento ng mga pamilyang Filipino ang nagsabing pakiramdam nila ay mahirap sila, base sa tanong na “Saan po ninyo ilalagay ang inyong pamilya sa kard na ito?,” 34 porsyento ang sumagot na ‘borderline poor’ habang 23 porsyento ang nagsabing hindi sila mahirap.

Halos pareho lamang ang lumabas na datos sa naitalang numero noong Disyembre 2021, kung saan 43 porsyento ang nagsabing ‘poor’, 39 porsyento ang ‘borderline poor’, at 19 porsyento ang ‘not poor’.


Kayat lumalabas na humigit-kumulang 10.9 milyon ang self-rated poor families hanggang Abril 2022.

Sa pamamagitan ng face-to-face interview, isinagawa ang First Quarter 2022 Social Weather Survey sa 1,440 adults sa buong bansa noong huling bahagi ng Abril. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like