Latest News

NAGLIPANANG PEKENG DOKUMENTO DAHIL SA MGA CORRUPT SA LGUs, NATIONAL THREAT — NSC

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINUTURING na isang national security threat ang ulat hinggil sa mga naglipanang pekeng dokumento na itinuturong nag-uugat sa korapsyon sa mga local government units.

Ito ang pag-amin ni Jonathan Malaya ng National Security Council sa gitna ng mga nadidiskubreng government IDs sa kamay ng mga banyaga.

Nabatid na isinusulong ngayon sa Senado na imbestigahan ang pagkakaroon ng government- issued IDs tulad ng passport, lisensya at national ID ng mga foreigner kung saan karamihan dito ay mga Chinese nationals.


Ayon kay Malaya, “kami po sa national security council ay nababahala dyan sa pangyayaring ‘yan kung saan may mga foreign nationals na nakakakuha ng birth certificate so we consider this a national security threat.”

Paliwanag ng opisyal, oras na nakakuha na sila ng birth certificate ay makakakuha sila ng passport, makakakuha na sila ng national ID at magmumukha na sila na parang mga regular na Pilipino.


Sinasabing base sa pagsisiyasat ng NSC, “mukha pong sa level ng local government unit nagkakaroon ng bayaran… there are allegedly based on intelligence reports some local civil registrars na nakatalaga sa mga LGU kung saan nababayaran sila,” ani Malaya.

“Itong mga corrupt public officials na ito ay sila ay nagii-syu ng mga pekeng birth certificate na siyang pinapada sa Philippine Statistics Authority at pag naka-record na po ‘yan sa PSA ay pwede nang humingi ng PSA certificate, copy of birth certificate which can then lead to a passport which can then lead to many other documents like national ID,” paliwanag ni Malaya.


Sinasabing base sa profiling ng NSC, lumilitaw sa initial na imbestigasyon na karamihan sa kanila ay mga Chinese nationals “who were not born in the Philippines, do not have any parental or links to Filipinos and who are not entitled to Philippine documents.”

Tiniyak naman ng NSC na hindi ito titigil, sa tulong ng National Bureau of Investigation, hanggat hindi natitigil ang modus operandi na ito na kasabwat ang mga tiwaling kawani ng mga LGUs.

Tags: Jonathan Malaya

You May Also Like

Most Read