Latest News

NAARESTONG 3,631 GUN BAN VIOLATORS ANG NAARESTO

UMAABOT sa kabuuang 3,631 ang naitalang gun ban violators ng Philippine National Police (PNP) sa buong panahong ipinatupad ang gun ban sa buong bansa kasabay ng umiiral na election period para sa isinagawang presidential and local elections.

Nagwakas nitong Miyerkules ang ipinatutupad na total gun ban kasabay ng pagtatapos ng election period sa bansa,


Sa nasabing bilang, 3,493 ang nadakip na sibilyan, 61 ang security guards, 28 ang miyembro ng PNP, 22 naman ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at 27 ang iba pang violators.

Lumilitaw sa datos ng PNP , National Capital Region ang siyang may pinakamaraming paglabag na naitala na umaabot sa 1,322.

Nakumpiska sa mga ito ang 2,795 na firearms; 1,300 na deadly weapons, kabilang ang 140 na pampasabog; at mahigit 17,000 na mga bala.


Mula naman January 9 hanggang kamakalawa ng hapon, umabot na sa 3,416 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang gun ban ay nagsimula noong January 9, 2022 at nagtapos kahapon June 8. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: hilippine National Police (PNP)

You May Also Like