Muntinlupa Judge sa kaso ni De Lima, nag-inhibit sa paghawak ng nalalabing kaso nito

By: Baby Cuevas

Boluntaryong nag-inhibit o bumitaw sa paghawak sa nalalabing kaso ni dating Senador Leila De Lima si Muntinlupa Judge Romeo Buenaventura ng Branch 256.

Ito ay matapos na kuwestiyunin ng tatlong iba pang akusado Ang kanyang “impartiality”.

Nabatid na ginawa ni Buenaventura ang desisyon na may petsang Hunyo 15 matapos na sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez, at Franklin Bucayu ay naghain ng.mosyon para sa kanyang inhibition sa kaso.


Nabigo umano ang hukom na ihayag na siya ay kapatid ni Arty.Emmanuel Buenaventura na dating nag-assist kay Dayan sa kanyang affidavit na kalaunan ay sinabi niyang pinilit lamang sa kanya.

Sinabi naman ni Sanchez sa kanyang mosyon na nabigo si Buenaventura na ihayag ang naturang detalye at nanawagan ng imbestigasyon para malaman kung siya ay neutral.


Gayunman,sinabi ni Buenaventura na walang basehan ang hinala sa kanya ng mga petisyuner.

“unfounded, if not contrived,” but he nonetheless said this cannot be ignored since it “already tarnished the integrity and impartiality of the Court,”ani Buenaventura.


“For this reason, the undersigned Presiding Judge will exercise his discretion and will recuse himself from further hearing this case not because the allegations are true, but because it is his avowed duty as member of the Bench to promote confidence in the judicial system,” nakasaad pa sa kanyang order na isina publiko noong Biyernes.

Ang naturang development ay matapos na i-reject ng Muntinlupa court ang aplikasyon ni De Lima para makapag-piyansa na nananatiling iginiit na siya ay inosente sa kaso.

Nabatid na si De Lima ay nakadetine mula pa noong 2017 matapos na akusahan na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga para tustusan ang kanyang kampanya noong 2016 senatorial election.

Tags: Senador Leila de Lima

You May Also Like

Most Read