Latest News

Minimum jackpot sa major lotto ng PCSO, itatakda sa P89M

By: Baby Cuevas

Bilang pagpapakita ng labis na pasasalamat at apresasyon sa patuloy na pagtangkilik ng publiko sa kanilang mga palaro, sa nakalipas na 89 na taon, itatakda ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa P89 milyon ang minimum jackpot prizes para sa lahat ng kanilang major lotto games simula ngayong Biyernes, Oktubre 27, 2023.

“As a way of showing its appreciation to the continued patronage of the public for the past 89 years, the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) will set the minimum jackpot prizes for all its major lotto games to a whopping P89 million on Friday, October 27, 2023,” anang PCSO, sa isang pahayag nitong Huwebes.

Anang PCSO, ang naturang minimum prize na P89 milyon ay inisyal munang aplikable sa MegaLotto 6/45 at UltraLotto 6/58, na siyang mga palarong bobolahin sa Biyernes ng gabi.


Sakali umanong walang manalo sa lotto sa Friday draw, ang premyo ay iaaplay sa GrandLotto 6/55 na binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado; SuperLotto 6/49 na binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo at sa Lotto 6/42 na draw naman tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Magpapatuloy rin anila ang pagtaas ng naturang premyo hanggang sa may palaring manalo ng jackpot.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, nais ng ahensiya na ipakita ang pasasalamat nila sa kanilang mga parokyano dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga palaro at serbisyo ng PCSO.

“The support you give to our products and services, especially Lotto, enables us to help thousands of our indigent kababayans who are in need of medical, educational or financial assistance from the national government. For this, we are extremely grateful,” ani GM Robles.


Ang PCSO, bilang charity arm ng national government, ay naatasang lumikom ng pondo para sa iba’t ibang charitable programs ng pamahalaan, sa pamamagitan ng pagpapasilidad ng mga lotteries, scratch-it, at iba pang numbers games.

“Eighty-nine years of service is already remarkable, but my wish is for the PCSO to last longer and be able to help more Filipinos,” dagdag pa ni GM Robles. “Again, thank you for your unwavering support and long live the PCSO!”

Tags: Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

You May Also Like

Most Read