Latest News

Mga sakit sa tag-ulan, ibinabala ng DOH

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko laban mga nauusong sakit sa panahon ng tag-ulan.

Kabilang sa mga usong sakit na nararanasan sa tag-ulan ay ang influenza, leptospirosis at dengue.

“The DOH is reminding the public to take flu shots, avoid wading in flood waters and ensure clean surroundings where water is usually stored,” ayon sa ahensiya.


Ayon sa datos ng.DOH,nasa 25,268 na ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Mayo 2022.

Ang naturang bilang ay mas mababa ng 6% sa 27,010 kaso ng dengue ,naitala sa parehas na panahon noong 2021.


Kasabay nito,hinikayat ng DOH ang publiko na mag-practice ng 4S strategy laban sa dengue.Ito ay ang “search and destroy mosquito-breeding sites, secure self-protection measures like wearing long pants and long sleeved shirts and daily use of mosquito repellant”.

Samantala, may 631 kaso ng leptospirosis ang naitala.mula Enero 1 hanggang Mayo 7. Ang nabanggit na bilang ay mas mataas ng 6% kumpara sa 596 na naitala sa kaparehas na panahon noong 2021.


Pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag lumusong sa tubig baha at kung hindi maiwasan ay magsuot ng bota at kung makaranas ng sintomas ay kaagad na.magpatingin sa doktor. (Jantzen Tan)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read