Mga Pinoy, hinimok ng DOH at WWF na lumahok sa Earth Hour 2023

Nanawagan ang Department of Health (DOH) at ang World Wide Fund for Nature – Philippines (WWF-Philippines), sa mga Filipino na lumahok ang sa selebrasyon ng Earth Hour 2023 ngayong Sabado ng gabi.

Nabatid na ang Earth Hour ngayong taon ay may temang “The Biggest Hour for Earth.”


Matatandaan na sinimulan noong 2007, ang Earth Hour sa layunin na hikayatin ang mga mamamayan na tumulong upang matugunan ang problema sa Climate Change sa pamamagitan nang isang oras na pagpapatay ng lahat ng de kuryenteng kasangkapan sa bawat tahanan.

Nalaman na magdaraos rin ng in-person Sustainability Fair ngayong Sabado, Marso 25, sa Quezon Memorial Circle, na may switch-off program at Run N’ Ride activity.

Tampok sa programa ang paghahatid ng key messages mula sa WWF-Philippines at mga opisyal ng pamahalaan, pagsasalita ng mga WWF ambassadors, musical performances, video presentation, at countdown sa Earth Hour na isasagawa ganap na alas- 8:30 ng gabi.


“The DOH recognizes the crucial role of the environment in promoting health and well-being for Filipinos. Hence, it is also our responsibility to care for the environment as it would then take care of future generations of Filipinos. Makiisa po tayo dito (Earth Hour) dahil ang kalusugan ng kalikasan ay kalusugan din ng bawat tao,” ayon kay DOH Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.

Maari rin bumisita sa earthhour.org para sa iba pang impormasyon hinggil sa Sustainability Fair at iba pang aktibidad na maaaring isagawa upang mabawasan ang impact ng climate change. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like