MGA KANDIDATO, BINALAANG WAG GUMAMIT NG PAG PARA TAKUTIN ANG MGA BOTANTE

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG ) sa mga kandidato na tigilan na ang paggamit ng private armed groups (PAG) o private armies para takutin ang mga botante.

Binalaan ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang lahat ng national and local candidates para sa darating na 2022 Elections, lalo na yung mga nasa 120 election hotspots nationwide sa paggamit ng mga private armed groups para i-harass ang mga botante at maging ang kanilang mga katunggali .


“Stop using armed goons, stop using intimidation and force to influence the voters and other election candidates. Hindi natin sasantuhin kahit sino pa yan. The Philippine National Police (PNP) is committed to enforce the law completely sa kahit sinong lumabag sa batas, no fear and favor,” babala ni Año matapos ang ginanap na joint press conference kasama ang Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Año , dapat nang tigilan ng mga kandidato ang paggamit ng karahasan at lakas para impluwensiyahan ang magiging resulta ng botohan.

“Binabalaan ko ang mga kandidatong gumagamit ng goons at private armies na itigil ang pagpapalaganap ng karahasan at panlilinlang para lamang makahikayat ng mga botante.”


Wala umanong puwang ang mga armed goons at private armies sa gaganaping 2022 National and Local Elections at mangingibabaw ang PNP para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa nalalapit na May 9 elections para pangalagaan din ang kasagraduhan ng boto ng mga Pilipino.

“Doble-kayod ngayon ang kapulisan upang mawakasan ang kalakarang ito [use of armed groups and private armies] katuwang ang Armed Forces of the Philippines na tutukan ang mga areas of election concern,” sabi pa ni Año.


Base sa data ng PNP, nasa 125 local government units (LGUs) ang itinuturing na mga ‘areas of election concern or hotspots’ sa bansa at sinumite na ito sa Comelec. Ayon kay Año ito ay binubuo ng 105 munisipalidad at 15 siyudad.

Nagbabala rin ang DILG Secretary sa mga kandidato laban sa vote buying at hinikayat ang publiko na maghain ng reklamo at sapat na katibayan na magtuturo sa mga sangkot sa bilihan ng boto .


“Lalo ring dapat higpitan ng mga awtoridad ang pagbabantay sa anumang uri ng vote-buying at pinakaimportante na kapag magpapadala ng reports ang ating mga concerned citizens ay sana kumpleto na,” pahayag pa ng kalihim.

“We are always looking at facts and data in investigating the veracity of these reports. Minsan kasi manipulated at photoshopped ang mga ebidensya na pinapadala.” (VICTOR BALDEMOR)



Tags: Department of the Interior and Local Government (DILG )

You May Also Like

Most Read