Inihayag ng Philippine Red Cross (PRC) ang kahandaan nitong magkaloob ng medical assistance sa buong bansa ngayong Semana Santa 2023.
Tiniyak ng PRC na nakalatag na ang kanilang Semana Santa Operations bunsod na rin ng inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong Pinoy sa iba’t ibang lugar sa bansa upang doon gunitain ang Mahal na Araw.
Ayon sa PRC, bilang bahagi ng paghahanda ay naglagay na sila ng mga first aid stations at nag-deploy ng mga ambulansiya na may mga trained emergency medical services personnel sa mga critical areas sa buong bansa.
Ang mga naturang grupo ang siyang magkakaloob ng medical assistance at susuporta sa mga taong mangangailangan ng tulong sa Mahal na Araw.
Sa datos naman ng PRC, nabatid na hanggang alas-11:00 ng umaga naman nitong Abril 5, Miyerkules Santo, umaabot na sa 265 indibidwal ang natulungan ng PRC Emergency Medical Services volunteers at staff.
Ang mga ito ay kinuhanan ng blood pressure at binigyan ng karampatang lunas matapos na makaranas ng pagkahilo, laserasyon, abrasion, blister at pamamaga.
“We know that many Filipinos will be traveling during this time, and we want to ensure that they have access to medical assistance when they need it,” ayon pa kay Senator Richard Gordon, Chairman at CEO ng PRC.
“Our first aid stations and ambulance teams will be strategically located in areas where they are most needed to provide immediate medical attention to those who require it,” aniya pa.
“We encourage everyone to be mindful of their health and safety during the Holy Week break,” payo pa ni Gordon. “If you need medical assistance, please do not hesitate to approach our first aid stations or call our ambulance teams. We are here to help.”
Ang Semana Santa Operations ng PRC ay sinimulan noong Abril 1 at magtatagal hanggang sa Abril 21, 2023.
“For emergencies or medical assistance, the public may call the PRC hotline at 143 or visit any PRC first aid station,” anang PRC.
Tuwing Holy Week break ay nakaugalian na ng PRC ang palagiang pagkakaloob ng medical support sa mga mamamayan bukod pa sa mga tips upang gabayan ang mga mamamayan. (Baby Cuevas)