MAS MAIGTING NA KAMPANYA KONTRA DROGA IPATUTUPAD NG PNP

MAS paiigtingin pa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang ginawang pagtiyak ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ituloy ng susunod na administrasyon ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga.


Ayon kay Danao, tuloy tuloy ang giyera kontra droga at mananatiling masigasig ang pambansang kapulisan sa pagtugis sa mga nasasangkot sa droga.

Nilinaw ng opisyal na mahigpit ang kanyang tagubilin sa kanyang mga tauhan, sa kanilang kampanya na sumunod sa “rule of law” at lalaban sakaling may mga drug suspek na manlalaban sa operasyon.

Nais din ng opisyal na mapagtuunan ng susunod na administrasyon ang rehabilitasyon sa mga nasasangkot sa droga at palakasin din ng pamahalaan ang Drug Abuse Education and Rehabilitation o DEAR campaign. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read

Latest News