Latest News

Malakanyang, nagpasalamat sa mga Pilipino sa suporta at tiwala kay Digong at Sara

Pinasalamatan ng Malakanyang ang mga Pilipino sa patuloy na suporta at tiwalang ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte at outgoing Davao City Mayor and Vice President-elect Sara Duterte.

Ang pahayag ay ginawa ni Acting presidential spokesperson and Communications Secretary Martin Andanar ,ilang oras matapos ang inagurasyon ni Sara bilang ika-15 vice president ng bansa.

“We are one with the whole Filipino nation in witnessing with excitement the inauguration ceremony of outgoing Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio as the 15th Vice President of the Philippines,” ani Andanar.

Muling nanawagan si Andanar sa mga Pilipino na magkaisa at suportahan si Sara at iba pang bagong halal na lider upang maging matagumpay ang bansa.

Magugunita na idineklara ng Kongreso,na siyang umuupong National Board of Canvassers, noon Mayo 25 na sina Sara at President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nagwagi sa May 9 presidential at vice presidential elections.

Si Sara ay magdaraos ng inagurasyon sa Davao City nitong Hunyo 19 alas-3 ng hapon matapos ang isang misa sa San Pedro Cathedral , habang si Marcos naman ay sa Hunyo 30 sa National Museum sa Maynila.

Manunumpa.si Sara bilang ika-15.vice.president kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Sasaksihan ito ng First family sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte at dadalo rin si Marcos sa inagurasyon. (Jaymel Manuel)

 

Tags:

You May Also Like

Most Read