MAS marami na umano ang mga Pilipino na mas gusto na lamang na makipag-live in na lamang kesa magpakasal bago magsama sa isang bubong.
Ito umano ang lumabas sa ginanap na on line survey ng church run Radio Veritas.
Ayon sa Veritas Truth Survey (VTS) na ginawa nitong Enero,mayorya sa may 1,200 respondent ay hindi sumang ayon sa tanong na “Should couples get married first before living together; and not engage in a common-law partnership arrangement?”
Nabatid ba 45% ang nagsabi na hindi naman requirement ang kasal bago magsama , 40% naman ang naniniwala na dapat muna angnpakasal at 15% ang undecided.
Ang mga respondent nasa edad 40-60 ,48% ang naniniwala na dapat munang magpakasal ang magkasintahan bago magsama , 29% ang nagsabi na hundi na kailangan ang kasal at 23% ang undecided.
Sa mga respondent naman nasa edad 21-29 ,21% ang nahsabi na ang mga ikinasal na couple lamang ang dapat magsama, 58% ang nagsabi na hindi ito importante at 21% ang hindi sigurado.
Habang sa mga nasa edad 13-20 ,34% ang nahsabi na dapat munang pakasal bago magsama ,51% ang nagsabi na jindi na kailangan na magpakasal at 15% ang nagsabi na hindi sigurado.
Ayon kay Radio Veritas President Fr.Anton Pascual ,layunin nang isinagawang survey na maihayag ang kagandahan ng sakramento ng kasal .
“To instill this social reality on the respondents’ perception towards common law partnership, we should evangelize our Catholic faithful on the transcendent value of marriage which places God in union between husband and wife,” ayon kay Pascual .
Naniniwala naman si VTS head Bro. Clifford Sorita na ang resulta ng survey ay nagre-reflect sa “instant mentality” ng mga kabataan kung saan ang mahabang ligawan na dinanas ng mga matatanda ay hindi naranasan ngayon ng mga kabataan.